TANGANG PINOY, TATAK PINOY

Kamangmangan ng Pilipinong lipunan,

Walang alam, walang pake, walang pinatutunguhan,

Nagtitiis lang sa mga abuso ng gobyerno.

Nilalanghap lang ang mga baho ng kapwa tao.

Sa eleksyon, lumalabas, bumabaha ng pangako.

Sa pangangailangan, parang bulang naglalaho.

Ang perang proyekto galing sa masa,

Mga buwayang nagbubulsa at nagpapasasa.

Mga bwakanang inang parak na nagkalat,

Mapang-abuso, mapang-api, mga kahihiyan sa watawat.

Higanteng korporasyon na andito na mula noon,

Lumalago sa yaman at tibay hanggang ngayon.

Sistema ng pagtuturo. Sistema ng edukasyon.

Pinagulo, pinahaba, ang susi sa pag-ahon.

Kapaligirang puno ng halamang yaman,

Kinakalbo, sinusunog, pinapatay, pinababayaan.

Ang sining ng musika’y unti-unting nawawala,

Mga kantang bumebenta’y walang kaluluwa.

Telebisyon at radyong mga hipokrito.

Mga artistang perpekto, balat at katawan na retokado.

Mga pinapalabas na patayan at dahas,

Hindi sinosolusyunan, ginagawang pampalipas oras.

Ang kababaihan na pinanganak na Pinay na morena,

Nais pumuti para lang sumikat at makilala.

Walang pagkakuntento ang mga sindikato,

Pati mga paslit at may kapansanan, tinatarantado.

Mga mapagsamantala at magnanakaw sa paligid,

Pandaraya at pagkitil; mga masamang balakid.

Kung tunay ngang sa’tin lang ang may “Bayanihan”,

Bakit maraming Pilipino ang walang pakialam?

Anong klaseng henerasyon ang kinamulatan ko ngayon?

Hahayaan ko lang bang ganito sa paglipas ng panahon?

Tangang Pinoy!

Tatak Pinoy!

Gising Pinoy!

Bangon Pinoy!

Huwag kayong sumabay lang sa daloy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s