Mabuhigh!

TALAMPUNAY: BUHAY BAGO MAGING HIGH

By: Talampunay Cindycat

 

Isang dalaginding na maagang namulat sa lansangan ng buhay.

Isang masalimuot na lugar.

May mga naka-tambay na at tumatanda na sa mismong gutter ng mga lumang establisyimento.

May mga nagdadaan lang para tumingin. May mga tumitigil para kumain.

May mga humaharang sa kalsada. May mga nag kakara-krus sa kanto.

May mga nag-aaway sa tabi. May naglalandian. May nag-aadik at naglalasing.

May mga naliligo lang sa tapat ng bahay kasabay na rin ang labahan.

Ito ang naging buhay ko.

Sa murang edad ay napasama na ako sa mga taong kakaiba ang bagsakan kumpara sa mga normal na ginagawa ng mga kabataan ngayon.

Naaalala ko pa ang mga trip dati.

Lumulusot kami sa mga barbwire ng mga bukid para tumambay sa mga manggahan. Ang akala ko noon ay puro berde lang ang mundo. May mga humuhuning ibon sa kahit saan. May mga batis na nakatago sa liblib na lugar ng bukid at mahihiwagaan ka sa ganda nito. May mga tutubing iba’t ibang kulay. At napakalinaw ng tubig na tila mag mga engkantadang nagbabantay sa lugar na iyon.

Pero ang katotohanan, mas malupit pa sa mga maligno at engkantada ang mga bantay noon.

May mga may-ari ng bukid na hahabulin ka ng itak pag tumungtong ka sa balwarte nila. Meron ding may shotgun.

Ang saya diba?

Ang pamilya ko ay masaya ngunit may problema ang tatay ko sa pag-inom kaya natuto akong maging matigas at matapang.

Pero isa kong pusong mamon, malambing, maalalahanin, masayahin at mapagmahal.

Minulat din ako sa mga tugtugan ng Juan de la Cruz, Banyuhay, Florante at ang all-time favorite ko…ASIN.

Dito na rin nahubog ang pagmamahal ko sa bayan ko. Elementary pa lamang ako ay iniiyakan ko na ang kaguluhang nagaganap sa Cotabato, kahit wala pa akong malay kung bakit nga ba ito magulo at kung gaano karami ang namamatay dito kada engkwentro ng mga militar sa mga lokal doon.

Habang tumatanda ako ay ako ang ginagawang ‘shield’ ng nanay at kapatid ko pag lasing na ang tatay ko. Ako ang ‘peace-maker’ at ‘shock-absorber’. Kalaunan ay naging ‘driver’ na. Isa rin akong ‘boy’ at ‘inday’ ng bahay dahil sa mga ganitong paraan ako bumabawi sa mga kalokohan na ginagawa ko na dati pa.

Mabilis ang mga kamay ko.

“Act like a criminal. Be a criminal.” na ang bagsakan ko dati pa. Qualified ako maging magnanakaw. At nagni-ninja moves rin ako para tumakas sa mga gigs at concerts noong highschool pa ko. Ilang beses na rin akong nakakatakas sa mga patrol ng Makati, Ayala at mga private subdivisions.

Lahat ng ito’y bago ko pa makilala si Maria Juana.

Kakaiba ang unang subok ko kay Maria Juana. Kinain ko siya nung unang gabi kaming magkita.

Nagkulong kami sa kabilang kwarto kung saan nakatambak ang mga kalat ko pang iskwela dahil highschool pa lamang ako noon.

Binuksan ko ang nakabalot sa kaniya at naamoy kong napaka bango niya kaya hindi na ako nakapagtiis.

Sinama ko siya sa paborito kong Choco Mucho at binilog ko siya sa loob nito.

Naalala kong inubos ko ang 2h noon. At nagtaka ako kung bakit walang tama habang kinakain ko kaya natulog na lang ako.

Bigla na lang akong nagising ng halos nakapikit na lang ang mga mata ko, nakangiti at nakalutang sa kama.     

At nasabi ko sa sarili ko, “Okay ‘to ah. Maulit nga.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s